MARSO 8: PROTESTA NG KABABAIHAN PARA SA TRABAHO, LUPA, SAHOD, KARAPATAN AT HUSTISYANG PANLIPUNAN
Posted by gabrielatk on March 9, 2009
Mahigit 1,000 kababaihan at kanilang mga pamilya ang nagtipon sa Crossing, Calamba sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.

chained women youth depict the current situation of Filipino women as they march to Crossing, Calamba

Job security and wages top women workers' demands as they join the women's day rally in Crossing Calamba
Binigyang diin sa pagkilos ang panawagan para sa kasiguruhan sa trabaho at nakabubuhay na sahod, lupa at mga batayang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan at pabahay.

Denouncing the continued threats of demolition and demanding basic services, urban poor women join international women's day protest in Southern Tagalog

Ayon kay Leona Entena, tagapangulo ng GABRIELA Laguna at kasalukuyang Gabriela Women’s Party Vice Chairperson for Luzon, dapat ay higit pang isabuhay ng mga kababaihan ang militanteng tradisyon at diwa ng Marso 8 na naitatag sa pagkilos ng mga kababaihang manggagawa lalupa’t kinakaharap ngayon ang papatinding pandaigdigang krisis.

Retrenched women workers uphold the militant March 8 tradition and lead the march to Crossing Calamba
Binigyang diin naman ni Helen Asdolo, Pangkalahatang Kalihim ng GABRIELA Timog Katagalugan ang papatinding panunupil at karahasan laban sa mga kababaihang nakikibaka. Aniya’y hindi titigil ang rehimeng Arroyo sa pandarahas sa kababaihan at sa progresibong kilusan para tiyakin lamang na makatakas ito sa pananagutan at manatili sa estado poder.

Protesters denounce the criminalization of women human rights defenders
Para naman kay Ivy Tanedo, tagapangulo ng GABRIELA Timog Katagalugan, higit na panganib ang kakaharapin ng mga kababaihan, lalupa’t kasabay ng matinding krisis ang ibayo pang panghihimasok ng Estados Unidos sa bansa upang protektahan ang kanilang pangekonomiya at pampulitikang interes sa bansa sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreeement.

Women youth performs "Babae Ka!" to open the IWD protest

Ang mahigit dalawang oras na pagkilos ay kinatampukan rin ng mga pangkulturang bilang na nagbibigay diin sa kasalukuyang kalagayan at pakikibaka ng kababaihan.




