GABRIELA Southern Tagalog

Archive for July 23rd, 2008

KABABAIHAN SUSUPORTA SA WELGANG TRANSPORTASYON

Posted by gabrielatk on July 23, 2008

Nagpahayag ngayon ng pagsuporta sa isasagawang welgang transportasyon bukas ang Gabriela Timog Katagalugan.

“Ang mga kababaihan ay kaisa ng mga tsuper sa panawagang ibaba ang presyo ng langis sa pamamagitan ng pagtatanggal sa 12% VAT at sa pagbabasura ng batas na oil deregulation,” ani Helen Asdolo, Pangkalahatang Kalihim ng Gabriela Timog Katagalugan.

Inilahad pa ni Asdolo na mula nang maipatupad ang Oil Deregulation Law noong 1997 ay tumaas ng 626% ang presyo ng gasolina at 746% naman ang presyo ng diesel. “Bunsod nito ay sunod-sunod na ring tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.”

Magiging malaking alwan para sa mga kababaihan ang pagbabasura ng 12% VAT at ng Oil Deregulation Law. “Sinusuportahan namin ang mga panukalang batas na naglalayong ibasura ang mga nabanggit tulad na lamang ng HB 3458 at 3433 na inihapag ng Gabriela Women’s Party.”

Dagdag pa ni Asdolo, “Kasama ang mga kababaihan at ang aming mga pamilya sa mga nahihirapan at nagugutom dala na rin ng mga patakaran ng rehimeng US-Arroyo. Nanawagan rin kami sa mga kapwa naming kababaihan na makiisa at lumahok sa protesta bukas gayundin sa darating sa State of the Nation Address.”

Ang welgang transportasyon bukas ay pangungunahan ng Southern Tagalog Transport Sector Organization (Starter-Piston).#

Posted in News, Protests | Tagged: , , | Leave a Comment »

Southern Tagalog transport strike Thursday vs oil price hike

Posted by gabrielatk on July 23, 2008

By Abigail Kwok
INQUIRER.net
First Posted 15:38:00 07/22/2008

MANILA, Philippines — To protest the unabated increases in the prices of oil and to call for the immediate removal of Value Added Tax (VAT) on oil, regional transport and militant groups will hold a transport strike on Thursday, July 24, an official from the group said.

In an interview on Tuesday, George San Mateo, Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston, United Organization of Drivers and Operators Nationwide) secretary general, said their regional group Southern Tagalog Transport Sector Organization (Starter-Piston) and Bagong Alyansang Makabayan (Bayan, New Patriotic Alliance) Southern Tagalog would conduct transport strikes in key cities in Southern Tagalog.

“[This is] to push for the scrapping of the oil VAT and Oil Deregulation Law and to push for a moratorium on further oil price hikes,” he said.

READ FULL ARTICLE

Posted in News, Protests | Tagged: , , | Leave a Comment »